Redirecting you

 

July 1

UST!

Experience! :-)

Pinuntahan pa ko ni Maia sa bahay namin para lang makapunta kaming UST. Ang saya-saya-saya! May binigay sa kanyang mapa yung lola niya. Nakakatawa yung mapa pramis. Sinunod namin ‘yun nung paulit-ulit kaming naliligaw. Ang sayaaaa kahit dalawa lang kami. Andami naming napagtanungan pero mas marami kaming mga estudyanteng sinundan kasi hindi namin alam kung paano pumuntang UST, para kaming mga stalkers.

Pagkarating namin sa UST, ang saya ng feeling kasi narating namin matapos naming maligaw nang paulit-ulit. Salamat sa mapa ng lola niya. Pagdating namin doon, nagikot-ikot kami. Yung parang simbahan pala sa UST ay main building. Balak pa naman sana naming pumasok (kasi akala namin simbahan yun) kaso kailangan ng ID kaya nagmukha lang kaming tanga. Ang ganda sa USTe katulad ng UP. Pero mas green sa UP. Tapos ginawa na namin yung misyon namin— ang kumuha ng application form. Nagpatulong kami kay Ate Mon kung saan ba kukuha ng form. Tapos hinanap na namin yung Tan Yan Kee Bldg. Pagkarating namin dun, inabot na agad yung form. Pagtapos noon, kumain kami sa Mcdo.

Napansin ko sa UST, andaming gwapo, mga tipong Alec Dungo. Grabe. Di na ko makapaghintay bumalik ulit sa UST para mas malibot ko pa.

FEU!

Pagkagaling namin ng UST, bumalik kaming FEU. Gusto lang namin makita ni Maia kung ano bang itsura ng FEU sa loob. Pero bago kami makapasok kailangan namin ng Visitor’s Pass, kaya nagpunta kaming Technology Building tapos binigay ni Maia yung ID niya. Dapat nga siya lang papapasukin tapos ako yung maiiwan, pero pinapasok pa rin naman kami. Ang ganda sa FEU. Siguro ang OA ko lang talaga magreact dahil di pa ko nakakapunta sa iba-ibang universities. Mukha siyang private high school na malawak tapos sobrang linis. Ang nakita lang namin na nakakalat ay dried leaves. Hinanap na rin namin yung Admissions Office ng FEU (kahit di ko pa alam kung magtetest ba ako dun). Tapos nanghingi kami ng form para sa aming dalawa lang. Tapos kumain kami ng doughnut, muni-muni saglit tapos bumalik kami sa Admissions Office para humingi ulit ng ilang form para sa mga classmates namin.

Pansin ko rin sa FEU, maraming maganda. Marami talaga.

Tapos pumunta ulit kaming Technology Building para kunin yung ID ni Maia at nakita namin yung Ate ni Shalom. Small world, it is.

July 16

Pag-uwi ko, nagonline ako agad. Tapos naabutan ko sa group yung Saranggola, thingie na yun. Alam na alam ko na ako na yun. Kasi di ako nagdalawang-isip na ang popular riddle tungkol sa saranggola, “Buto’t balat lumilipad.”

Oh diba talino ko talaga! Alam ko agad. =)))

Pero di ko na napigilan. Ayoko na kasi talaga. Nag-out na ko tapos umiyak ako sa kwarto, hanggang sa nakatulog ako. Sabi ko pag naitulog ko siguro yun, baka maging ok na ko. Effective!

Nung nasa room palang kami, nagpaparinig na sila after Physics. Tsaka nagulat nalang ako na nagpaparinig sila ng “Share share.” Alam ko na isa na ko sa mga pinaparinggan. Sige Raffy, palit nalang tayo pangalan. Ikaw highest, ako yung bagsak. :-)

Wala naman sakin yun eh. Ok lang talaga. Tsaka pinakita niyo na lang samin na makasarili kayo. Tapos sabihin niyo pang kami yung hindi nagshare ng sagot? Dahil madamot ako ganon? :)))

Ayokong isumbat pero nung bumagsak ba ko, sinumbat ko na hindi nakarating sakin yung sagot ni Paul? Defucker. Hindi naman diba? Tapos ngayon, magpapaka-KJ kayo, kasi ayaw niyo mag-TREX. :))) Nagreklamo ba ko na “Shit, bakit kasi di nakarating yung sagot ni Paul dito?! Share share din.”

Tsaka Paul, isa kang malaking punyeta, shit, fucker. =))

Di ko rin kailangan ng opinyon mo. Makapagsalita ka kay Shalom na parang bang pinapalamon mo siya. Bitch please.

Tsaka ikaw nalang lagi nagsisimula ng war between boys and girls. Epal mo. :))) Kung gusto mo gumawa ng sariling World War, sumama ka sa mga sundalo na ipaglalaban ang Pilipinas vs China sa Scarborough Shoal.

Di ko kailangan ng sagot mo. 

Pinakita niyo lang na duwag kayo, na makasarili kayo, na KJ kayo.

Pwede naman ako itag? Tsaka, ako nga di marunong sumayaw, nag-TREX eh? Bat kayo parang iiyak muna bago mag-TREX. Makasarili kayo, gustung-gusto niyo kayo-kayo lagi yung nakakapasa. Fuck, edi kayo na. Immature niyo sobra.

Tsaka di niyo man lang ba naisip na HULA LANG YUNG MGA SAGOT NAMIN. Hindi niyo ba naisip na TRIP LANG YUNG MGA SAGOT NA YUN. Tsaka sabi n iSir, mag-aral mabuti ah? Y u no study hard? Para sa ES2 din yun, para maitaas ang bandila ng ES2.

Selfish immature coward crybabies.

July 2

CRISSIAN’S BIRTHDAY!

Happiest day of 4th year yet! ♥ Sinurprise ni Mike si Crissian tapos nagmessage kami isa-isa. Haaaaaaay. Sana ganun lahat ng birthday! Special lahat. Kasi last year na namin sa high school. Kaya dapat lahat ng birthday masaya.

Tapos blow-out ni Crissian sa Mcdo. Kasama si Sir Sales. Tsaka si Jane (si Jane na nagparebond at first time naming nakasama ngayong 4th year at sumusulpot kapag may birthday HAHAHAHA secret lang daw yun). Ang saya-saya-saya-saya! Huhuhu. Grabe, napaiyak ako ni Ate Shai tsaka ni Debbie sa katatawa, isama mo na si Katrina. Nauso kasi yung pagbili ng buko na may gatas tapos nakalagay sa bote. Tapos yung bote depende sa size na gusto mo. Yung kay Denise at Crissian kasi yung pinakamalaking bote.

  • Debbie: Tignan mo yung bote nung kay Denise oh. Parang dedeng malaki. Yung sa baby.
  • Ate Shai: Dedeng malaki?!

At dun na nagsimula yun. Sa dedeng malaki na hawak ni Denise pati yung dedeng malaki na hawak ni Crissian. Hay. Naiyak ako dun nang sobra. Tapos sabi pa ni Katrina, “Malaking de. Malaking de. Malaking de. Malaking de de de de de.” Tapos dumating si Ate Sai at nakisabay samin kumain. 

Ang saya ng araw na ‘to. Natatakot ako na sa sobrang saya ko, baka bukas malasin naman ako nang sobra. Si Yoya kasi, ginatungan pa. Nung nasa jeep kami, kung anu-ano pa sinabi. Nakakahiya lang tumawa nang malakas eh.

HAPPY BIRTHDAY CRISSIAN!!! THANK YOU! STAY AS BEAUTIFUL AS YOU ARE TODAY! >:D<

ANG SAYA.

  • Ako: NATATAWA KO SA SARILI KONG JOKE
  • Elora: HAHAHAHAHHAHAHA AKO NGA DIN EH
  • Ako: HAHAHAHAHAAH SARILING SIKAP WALANG KINABUKASAN
  • Elora: WALANG KINABUKASAN
  • YUNG PALABAS SA ABS CBN YUNG KILA DANIEL AT KATARINA
  • HAHAHAHAHAHAAHAHAHAH SHT HAHAHHAHAHAHAHAHAAH
  • Ako: NAKS
  • HAHAHAHAHAHAHAHAHA
  • naks
  • yung kapag kumakatok ka
  • sa pinto
  • naks naks
  • Elora: HAHHAHAHHAHAHAHAHAA
  • NAKS NAKS HUS DER

July 3

Pixlr nung may problema pa sa Instagram. Maipilit lang.

#gajayafe

Thank God for the suspension of classes. :-)

  • Left school at 12.
  • Headed to Prei’s.
  • Vanity struck.
  • INSTAGRAAAAM
  • Pinilit talaga namin maayos yung Instagram sa cellphone ni Eena. Hahaha. At least.
May 28
LAST DAY.

Last day ng review. So fuuuureaking happppyy! Nagpost-test kami tapos mababa pa rin ang score ko, pero tumaas ng konting-konti kumpara nung pre-test. Kailangang-kailangan ko talaga magreview grabe. :( Tapos nagpunta kaming school ni Wilson kasi ayaw sumama ni Kat sa amin. Akala ko matutuloy sila sa UP, hindi pala. Nagkwentuhan lang kami nila Ate Shai, tapos dumating si Lorem tapos kumain kami sa Mcdo. Grabe, sobrang saya. Puro tawanan dahil sa mga chismis na hatid ni Lorem tungkol kay Mon Tulfo, Andi Eigenmann, PBB Teens, atbp. Hanggang sa naghalo-halo na yung pinag-usapan namin. Si Jaclyn Jose na yung nakabuntis kay Andi Eigenmann, tapos siya din yung sumipa kay Claudine Baretto, tapos sinipa ni Albie Casiño si Clodet. Pinaghalo-halo na. =)))) HAHAHA. Andami kasing kwento eh, tawa kami nang tawa, sobrang sakit na ng tiyan ko nun hanggang sa pinag-usapan na yung sukli kasi kulang tapos dun kami nagtagal kasi nagbilang-bilang pa si Lorem at Wilson pero di pa rin na-solve. Sinisi na ni Wilson lahat sa pagkawala ng sukli eh, yung nasa cashier, yung lalaking nagseserve ng gravy, etc. HAHAHAHA. Hay nako ang saya. =)))))))

May 2

DAY 1

Super excited na akong makita ulit sila (Katrina, Denise, lalo na si Wilson) kasi namimiss ko na yung classmates ko tapos sila lang yung makikita ko kaya naexcite akong umalis. :-)

Nagpunta na kaming SMACC tapos diretso sa room namin. Karamihan sa review mates namin ay girls kaya… si Wilson ay… idk =)))) Binigyan kami ng reviewer (actually, yun lang habol ko) Tapo pre-test from 8am-12nn. Pre-test pa lang naman. 30 minutes every subject. Time pressure. English yung first subject tapos Math, tapos Physics, Chem, Bio tapos Abstract na pinaka-ayoko sa lahat.

Kinabahan talaga ako nung sinabing pre-test, kasi wala kaming ballpen ni Wilson. lol Wala kaming dala na kahit na ano kundi pera at resibo lang. Buti nalang pinahiram ako ni Kat kaso tumagal yun hanggang #3 lang ng Math. Jusko. Math pa talaga nawalan ng tinta yung ballpen! Nag-panic na ko kasi di ko alam paano ko magsosolve at hindi ko alam kung paano ko masasagutan yun nang walang ballpen.

Tapos ayun, naghiraman kami ng ballpen ni Katrina. Hahaha. Nung tapos na yung oras para sa Math, nakita ko yung papel nung iba na hanggang 19 lang yung nasagutan kaya nagkaroon ako ng konting pag-asa.

Srsly, nung Physics na, hindi na ko kinabahan kasi di na naman kailangan magsolve masyado pero doon ko narealize na wala na kong naalala sa lahat ng pinag-aralan namin sa Physics. Doon ko nalaman na nakalimutan ko na lahat ng natutunan ko. Wala akong masagutan! =)))) Tapos break time. Di kami kumain, sinamahan lang nila ko bumili ng ballpen. Tapos Chem na tapos Bio, tapos Abstract na (which is ayoko talagang sagutan) kaya binalikan ko na lang yung mga di ko nasagutan sa Math. Hanggang sa sinabi nung proctor na “Time’s up.” Tapos sabi niya, hulaan nalang daw namin yung iba. Edi andami kong hinulaan lalo na sa Math at Abstract.

Nagcheck na ng papers. Ito yung scores ko. Pwede tumawa.

English - 30/50

Math - 16/50

Physics - 17/40

Chem - 22/40

Bio - 22/50

Abstract - 16/50

Nag-compare kami ng scores. Tawa kami nang tawa sa mga scores namin. Hahaha. Tapos total score/280 x 100 = % 

lol omg 43.9% Hahaha. wtf bro

Pagkatapos noon, kumain na kami sa 7-Eleven tapos kwentuhan hanggang 1:40pm mainly tungkol sa mga panaginip tapos uwian na rin. :-)

May 3

geenfinity:

Gadielle,

seekingforlove:

Teka, nasabi ko na bang gandang ganda ko sa pangalan mo? Hehehe. :))) De walang biro, ganda eh. Astig. Babaeng babae pala. Hahaha

Ayusin ko na nga. Ano, THANK YOU. Di ko alam kung paano ko maeexpress talaga kung gaano ako kathankful sayo. Grabe naman kase, ikaw ang naging dahilan para matupad yung pangarap ko.

Dahil nga ikaw ang gumawa ng entry ko para sa Fan art making contest na yun sa fan page ni Toni, walang dudang mananalo yun. At nanalo nga. Kahit 97687567456 years na ang lumipas at hindi pa rin nabibigay ang premyo ko, ayos lang kase it’s worth the wait talaga dahil nagkaroon ng bonus na magkikita na kami ni Toni. :D

So dahil talaga sayo yun. Huhuhuhuhuhu. Kaiyak. :)))))) 

Basta, thank you talaga. T_T Sama ka! Sa May 7. Kung gusto mo lang naman. :)))))

Bibili na talaga kita ng libro. Pero pagiipunan ko muna ah? :))) Pasensya, wala pa kong pera eh. -_- Wag mo ng hiramin yung Five People You Meet in Heaven. Yun na lang bibigay ko sayo. :) Pero ipon muna talaga. Hahahahahaha

Gusto kitang ihug! Waah! >:DDDDDD< Thankyou!!!!! 

P.S. Di ko pa napapanood yung 10 Things I Hate About You. Pero iddownload ko na. Taas ng rating mo eh. :)))))))

Lagi mo talaga kong pinapakilig at pinapangiti. >/////////< Nagulat ako nung nabasa ko yung "Bibili na talaga kita ng libro. Pero pagiipunan ko muna ah? :))) Pasensya, wala pa kong pera eh. -_- Wag mo ng hiramin yung Five People You Meet in Heaven. Yun na lang bibigay ko sayo. :) Pero ipon muna talaga. Hahahahahaha." Wag mo na ko ibili ng libro. =)))) Gusto ko kasing bumili ng libro, galing sa sarili kong ipon. Gusto ko maging proud sa sarili ko minsan eh, puro “bigay/regalo” nalang yung librong meron ako. Gusto ko ako naman mag-reward sa sarili ko. :)))) Pero kinikilig talaga ko. Sana yung fanart na ginawa ko maging worth-it talaga para sa’yo kasi hindi ko talaga ikakatuwa kung nanalo nga yung ginawa ko pero hindi mo naman nakuha yung prize mo. Naks, what is rhyming. =))) Thank you Jane!!! >:D< GV talaga hatid mo sa buhay ko forever. 

Tsaka maganda kasi yung 10 Things I Hate About You. :-)

Nakakaproud nga naman talaga makabili ng libro sa sarili mong pera. Pero hayaan mo na ko. Minsan lang ako maglambing. Kung matuturing man na lambing yun. hahahaha. Tsaka napakadami pa ng librong pwede mong bilin. Ako na bahala dun sa Five People You Meet in Heaven. Token of appreciation. :D Di ko sure kung tama yung term. :)))))))

May 4

DAY 2

Di ko akalain na ako yung pinakamaagang darating. omg Kasi ang tagal umandar nung jeep na sinakyan ko, pagdating ko kila Katkat, ang aga ko pala. =))

Aaaaand ayun, late kami pero ayos lang. Math yung review buong araw. Mabait yung professor na nagturo samin sa 1st session. Tanong lang nang tanong yung prof. samin kanina, tapos kami lang yung nagsisigaw ng sagot. *ehem* Para kaming nasa Showtime nila Denise, Wilson at Katrina. Nagpapasikat eh. Pakitang-gilas. =)))))) Kami lang kaya sumasagot. *ehem* Hahahahaha. Ganun talaga, ES2 eh.

Natatawa ko kanina kay Wilson. Kasi sabi niya, yung katabi raw ni Denise, kamukha ni Kuya Markee! Natawa ko kasi pinipilit kong isiping mabuti sino yung kamukha nung katabi ni Denise, tapos si Kuya Markee pala. Hahahahaha. Meron din pala kaming review mate na kamukha ni Ate Lourice. Hahahaha. Nasabi ko na ‘yun eh, inuulit ko lang kasi puro gumraduate na 4th year samin yung kamukha ng mga review mates namin. Pero meron ding kamukha ni Adrian (si Katrina ang nakapansin)! =))))) Kamukha ni Adrian kapag nakatalikod kasi pareho sila ng hairstyle tsaka ng upo! Nakakaamuse kasi ang cool talaga ng mga ganung lalaki (yung katulad ni Adrian) kaso kapag humaharap na, hindi na niya kamukha. Pangit na. loljk Pero ang pinakatawa ko dun sa nakita ko, kamukha ni Ate Nica!! Hahahahaha. =))) Andami nilang kamukha sa schoolmates namin. Hahahahahaha. Buti wala kaming kamukha dun.

After break, bored na bored na ko nung tinuloy yung review sa Math. Yung iba naming review mates, di na nakikinig tapos tinatamad na rin ako magsulat kaya hindi na ko kumokopya. Huhu. Nakakabore pramis. Kasi eh, sobrang bilis magturo nung prof. sa Math. Di ko na talaga maintindihan. Di nga siya nagpapasolve eh, ineexplain niya lang (di ko nga magets eh huhuh) pero kapag nagpapasolve siya, sasabihin niya 5 minutes lang. Pucha, kakasulat ko lang nung equation, sinasabi na agad yung sagot tapos ieexplain niya yung sagot sa paraang sobrang bilis at nakakalito kaya di na ko nakakahabol. Tapos iniisip ko kung si Ma’am Rafols yung nagtuturo, baka naintindihan ko na lahat tsaka baka lahat ng pasaway na hindi nakikinig sinisigawan na ni Ma’am. Namimiss ko lang si Ma’am Rafols.

Hanggang sa sinabi nalang nung prof. lahat ng sagot sa reviewer kasi malapit na magdismiss ng klase. Hahahaha.

Tapos ang lakas ng ulan kaya kila Katrina muna kami tapos nanood kami ng AI replay tsaka Up.

End of the day. :-)

May 7 

DAY 3

Late kami as usual. Tapos English ang review ngayong araw, kaya naexcite ako. Lalaki yung prof. namin sa English pero di ko inexpect na sobra siyang nakakatuwa. Ang galing niya magturo, malumanay tsaka hindi mabilis. Pinapaintindi niya sa amin tapos may practice test. After namin sagutan yung practice test, magchecheck. Ang hirap ng vocabulary pero andami kong natutunang words dahil andami niyang naituro! Tapos sobrang nakakatawa siya. Hahahaha. Masaya siyang magturo srsly. Hindi boring kahit isang buong araw English yung pinag-aaralan namin. Kaso maraming assignment pero ayos lang. :-) At least English, hindi Math.

Tapos nagpunta kami ni Wilson at Denise kila Bianca. Ang laki na ni Bechay tapos ang taba-taba niya. Fluffffy. :3 Dapat ipapaalam lang ni Denise si Bianca para doon sa swimming pero nagkwentuhan lang kami. Sobrang saya nga kasi napahaba ang kwentuhan eh. 4pm na ko nakauwi.

Masaya yung araw na ‘to sa kabuuan. :-)

  • Prof: Clandestine. Is it a familiar word to you? Clandestine means something you don’t want to tell, so it’s a secret. So when your friend asks you, “Hey who’s your crush?” You just say, “Clandestine.”
  • Prof: When you ranked second to the last on the exams, and when your classmate asked you, “Hey, what’s your rank?” Say, “Well, I’m penultimate.”
  • Prof: When your friend is fighting someone and you need to calm him down, instead of saying “Chill, bro,” you say, “Nonchalant, bro. Nonchalant.”

May 9

DAY 4

Ang aga namin pumasok sa review, as promised! Yeeeeey! Pero pagdating namin tulog yung professor. Mukhang puyat na puyat siya. Hahaha. Akala ko nga Filipino professor eh, Chemistry pala. Parehong-pareho sila magturo ni Ma’am Mel! Nakikinig at nagtake notes pa rin naman ako kaso feeling ko lahat ng sinulat niya nasa Chemistry notebook ko na kasi pareho talaga sila magturo. Pero ang corny nung professor na ‘yun ah. Pero tawang-tawa kami sa kacornyhan niya. Hahahahaha idk =))

Too lazy to share. Haha.

JUNIOR ENVELOPE.

Sa wakas, naisipan ko nang ayusin yung gamit ko nung 3rd year. Minsan kapag nag-aayos ako ng gamit na matagal ko nang hindi pinapakialaman, nagiging dramatic moment ko ‘yun kasi nagrereminisce ako. Ang dumi ng bag ko at andami kong kalat fyi. Tapos tinabi ko yung mga papel na kakailanganin ko para sa review, karamihan yung mga test tsaka seatwork sa Algebra! Ang laking tulong noon sa pagrereview ko. Sayang nga nawala yung Chemistry notebook ko eh. Yun pa naman yung pinaka-kailangan ko. Tapos tinago ko rin yung persuasive speech ko pati yung napakaraming evidences. Hahaha. Souvenir yun ng mga pinaghirapan ko. Tinabi ko rin yung yung ticket ng English Extreme (na hindi ko naman pinanood) dahil andun yung pirma ni Ma’am Moyo. Tapos tinabi ko rin yung 1/2 crosswise na papel na may pirma ni Ma’am Shen tsaka “I ♥ u Gadielle :)” tsaka yung permit sa MTAP na may pangalan ko na sulat ni Ma’am Rafols kasi mamimiss ko talaga ang napakaganda niyang penmanship lalo na si Ma’am. Tinago ko rin yung mga output ko sa AP. Tsaka yung iba pang reference para sa review.

Doon sa labas ng envelope, nandun yung tatlong class pictures na inorder ko nung 3rd year tsaka tinabi ko rin pala yung isang bagay na may sentimental value sakin dati, kasi yun ang magpapaalala sakin na gumawa kami (GELBLEP) ng 14 dares for February 14 para pasiyahin ang mga sarili namin. Haha.

Babalikan ko ‘yung envelope na ‘yun kapag nasa college na ko. :-)

May 11

DAY 5

Dumating ako kila Katkat nang saktong 7:30am pero andun na si Wilson at Denise. Wow lang. Ang aga nila dumating pero hindi pa rin ako late. Kaya ang aga naming nakarating sa review. Tapos Math Part 2 yung review namin. Yung nagturo sa amin ay head ng Mathematical Society of the Philippines (idk sabi niya eh) tsaka prof. siya sa UST. Wow ulit. Haha. Ambilis niya magturo pero nagegets ko pa din. Pero habang tumatagal, nagiging trash-talker na yung professor kasi walang sumasagot sa amin sa mga tanong niya (except us *ehem*). Hahahaha. Tapos habang tumatagal, nasesense kong bakla siya, para siyang si Sir Navarro. Pareho sila ng genes. idk Ang weird ng mga napapansin ko. Andaming late kaya sabi nung prof. sa mga late, “Tapos na UPCAT. Uwi na kayo.” Sabi niya kasi kung 8am nga kami nagsastart magreview, tapos late pa sila, paano pa kaya kapag UPCAT na? Dahil nga walang sumasagot, dahil siguro natatakot, bigla niyang sinabi, “Oh baka multiplication lang di pa kayo marunong?Magpaturo kayo sa mga kapatid niyo sa elementary." lol

Pero kapag nagsosolve siya, napapansin ko lagi yung mali kaya sinasabi ko kay Katrina. Hahaha.

Ako: Kat, tignan mo yun. 90(3) = 270 diba? Bakit 450 yun?

Kat: Ha? Ay oo nga noh. Sabihin mo!

Ako: Eh ayoko. Ikaw na. Hahaha. Kaya mo na ‘yan!

Kat: …

Ako: Hayaan mo na siya. Wag mo nang sabihin. Hahahahaha. Tayo naman nakakaalam ng tama eh.

Kat: Oo nga. Hahahaha. Bayaan mo siya.

Wilson: Magpaturo siya sa anak niya sa elementary.

Tumatawa kami nang patago nun. Si Wilson talaga. Pero magaling siyang professor. Sobra. Basta. Magaling talaga. Ayun, maaga kaming natapos. Nag-Geometry pa. Pero saglit lang. Kahit head pa siya ng Math Society, wala pa ring tatalo sa perfect figures na drawing ni Ma’am Rafols. 11am palang tapos na kami. As usual, umuwi nang maaga si Kat, tapos kaming tatlo, dumaan kila Steven. Si Denise kasi eh! Nakalibre kami ng lunch. Nagparinig kasi kay Steven na wala raw kaming pera. Hahaha. Thank you Steven!

Day spent well. =)))

May 12

HAD FUN WITH THE “-ETHS”

Yaaay! Nagplano kami ni Jeseth na magkikita kami nang 6pm. Nagpagupit pa ko bago kami magkita. Haha. Di naman kapansin-pansin. Ayun, nung papunta ako ng Jackman, nakita ko si Reneth, pauwi galing review. Imba coincidence. Tapos ayun para kaming long lost high school friends na nagkatagpo sa isang reunion. Kamustahan and everything. Tapos pagpasok ko sa Jackman, tumawag na si Jeseth pero binaba niya rin nung nakita niya kami. Isa pa ‘to. Tumakbo tapos hinug ako tsaka si Reneth. So heartwarming. Hahahaha. Parang nag-reunite kaming tatlo. lol

Kwentuhan tungkol sa experiences sa review. Tapos umalis si Reneth saglit para magpa-photocopy nung application form sa UP tapos umuwi na rin siya. Tapos kami naman ni Jeseth nagpunta kaming VM. As promised, magsha-“shopping” kami. Hahaha. Yeeeey! Nakapag-“shopping” kami pero seryoso, first time kong mag-shopping na friend ang kasama kasi lagi si Mama o si Nanay ang kasama ko. Pero kapag kasama ko si Mama, hindi ko mabili yung mga gusto kong damit kasi siya yung namimili para sakin.  Ang saya ko nung kasama ko si Jeseth! Kasi nabili ko yung mga damit na gusto ko tsaka nagkakasundo kami most of the time. Di ko na ma-explain pero ang saya ko. 

Thank you Jeseth and Reneth! ♥ Ang saya!

May 13

Hindi kasi ako showy tsaka malambing. Kaya di ko kayang sabihin kay Mama na “Happy Mother’s Day!” nang personal. Lalo naman siguro kung “I love you Ma!” Di ko talaga kaya. Sobrang plain nitong araw na ‘to, tapos di kami nag-uusap, di kami nagpapansinan, pero habang magkatalikuran kami kanina, iyak na ko nang iyak. Ang galing ko nga magtago eh, wala talagang nakahalata. Tapos sabi ko sa isip ko, imemessage ko nalang siya sa Facebook (kahit di kami friends), pakonti-konti yung luhang tumutulo sa mata ko habang iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya. Di kasi talaga ako yung tipong malambing tapos lagi pa kaming nag-aaway. Kaya nga nakakainggit yung mga close sa mga mommy/nanay/mama nila eh. Bigla-bigla nalang akong naluluha kapag iniisip ko kung ano yung sasabihin ko kay Mama. Kung kailan ready na ko sa sasabihin ko, at imemessage ko na siya sa Facebook, tinignan ko yung timeline niya, fudge. Hindi pwedeng mag-message kapag hindi friends. kjakhgjsjashkajshkajsla

Anyway, Happy Mother’s Day Ma!!! I love youuuu talaga kahit sobrang matigas ang ulo ko at lagi tayong nag-aaway. Despite all these things, thank you!

Di ko talaga masabi nang personal. Sa text nalang.

May 14

DAY 6

Di ko expected na test namin sa English tsaka Math. OH GOD WHY. 120 items for Math, 70 items for English. Pigang-piga na yung utak ko, hindi ko pa nasasagutan ang kalahati ng Math at wala pa kong sagot sa English. Para akong may dead brain cells at feeling ko lalong naging convoluted yung utak ko. Napressure ako nung sinabi nung proctor na pwede na raw ipasa yung papel. Shizz, andami nang nagpasa. Hindi ko pa tapos yung Math tapos yung English sinasagutan ko pa. Hinulaan ko nalang yung Math (halos) :-( Hanggang sa aming apat (Ako, Wilson, Denise, Kat), ako nalang yung hindi pa tapos. At anim nalang kaming natira. :-( Grabe. Paglabas namin, kinakabahan at naiinis pa rin ako.

Pinabasa ko kay Jeseth ‘yang post na ‘yan tapos sabi niya, itext ko daw si Mama, batiin ko ng “Happy Mother’s Day”, papasahan niya raw ako ng load. Mahal na mahal talaga ako nitong babaeng ‘to. Tapos tinext ko na si Mama. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Nagdadalawang-isip ako kung isesend ko ba o hindi. Pero sinend ko din. Bigla akong kinabahan nung nagreply na siya. Hindi pa naman ako naiyak pero nung binabasa ko na yung reply niya, iyak na ko nang iyak. Sobrang nakakatouch na nakakakilig na nakakaiyak. Hay. Sa akin nalang yung message. Special eh. First time akong makareceive ng ganung message galing sa mama ko, kaya sakin nalang ‘yun (at kay Jeseth dahil she made it all possible. Nux, parang Globe lang.)

Haaaay. Best message I’ve ever received

cheska-cruz said: *HUUUUUUUG* very good, Gadielle! :)

May 16

DAY 7

Verbal ability shit day. Yung professor na nagturo samin ay galing UP tapos ang course niya ay BS Psychology. Nakakatuwa siya kasi masaya siyang magturo, tapos ang effective at napaka-persuading niya magturo. Nung una, tinanong niya kami kung anong course ang gusto namin at saang school. Di ko alam bakit ko sinabing Architecture - UST. Andami niyang sinabing tips tungkol sa UPCAT, tungkol sa verbal ability, sa mga panggulong logic, atbp.  Pinagsagot kami ng verbal ability test (difficult shit is difficult). 100 items, 45 minutes. Tapos sinagutan namin yung arguments tsaka brain teasers. Parang Statistics yun. Sabi niya sa amin, wala raw siyang duda sa talino at galing namin, pero tinetest niya kami kung gaano kabilis kaming magsagot. Kasi yun daw ang karaniwang problema, baka raw nagte-take time kami sa pagsagot ng isang item at dun nauubos ang oras. Paulit-ulit niyang sinasabi na madali lang ang UPCAT. At mas mahirap ang binigay niyang verbal ability test kaysa sa actual. Sana nga.

P.S. Comm. arts talaga ngayon ang first choice ko. Di ko alam kung ano naman bukas.

  • Ako: Yung isa sa mga reviewmates namin…
  • Lorraine: Gwapo?
  • Ako: KAMUKHANG-KAMUKHA NI ATE NICA.
  • Lorraine: Ay. HHAHAHHAHHAHAHA.
  • Ako: ATE NICA NGA EH HAHAHAHAHHA.
  • Lorraine: Halatang malandi ako
May 19

MOVING UP

Andami kong namiss pero pinaka-namiss ko talaga si Ate Shai tsaka Maia (sobra.) Wala namang nangyari, binigay lang yung card kay Ma’am Marcelo tapos 4th year na kami. Tawanan, kwentuhan, tapos marami ding nagbago. Si Precious pumayat, si Ate Shai, may braces na, si Maia, tumaba nang slight at nag-mature, si Debbie, nagpagupit tapos maganda pa rin. Ang tangkad ko na raw kasi mas maliit na si Yoya sakin. Feeling ko nga din eh. Magaganda at gwapo pa rin sila, yung iba gumanda at gumwapo lalo.

Tapos ayun, nagpunta kami kila Shalom. GELBLEMPS. Monthsary namin nung May 17 kaya nung 18 kumpleto kami tapos may mga sari-sarili kaming buhay, kwentuhan, tawanan, sabihan ng secrets (lol) tsaka dumating yung boys. Pinanood namin kila Leng, Yoya, Eena at Maia yung “White.” Tapos gabing-gabi na ko umuwi, samantalang 7:10 ng umaga ako umalis ng bahay. Nanood kami ng Uber, tapos si Mike andaming joke. Hahahaha. Kasi si Shalom ayaw pa kami pauwiin, nanood kami ng mga music video ng KPOP. Nakakaaliw yung mga music video, ang HQ tapos ang ganda ng effects tapos ang gaganda nung chix pero ayoko pa rin maging KPOP. 

Pero di pa rin ako umuwi, kasi umuwi sila ng 6pm tapos ako nagpunta pa kila Yoya. Tawa lang kami nang tawa ni Eena dun eh. Rolling on the floor laughing ang drama ni Eena eh. HAHAHAHAHA. Tapos si Yoya kabisado pa yung isang episode ng “My Myx” kasi paulit-ulit na raw niyang napanood ‘yun. Nakakamangha nga eh. Hahaha jk. Tsaka kung anu-ano pa yung tinatawanan namin. Ang saya. Hahahaha.

May 21

DAY 8

(Omygod. I can blog. HAHAHA.)

Anywaaay, ayun kaming dalawa lang ni Kat yung nagpunta sa review sa di malamang kadahilanan ng hindi pag-attend ni Wilson at Denise. 7:30 na, apat pa lang kami sa room tapos dumating si Wilson nung marami-rami na kami. Lakas makasando ni Wilson. Hahaha. Si Denise lang talaga ang hindi umattend. Dahil nga akala namin, malapit na matapos ang review, “sinubukan” naming makipagkilala sa mga review mates namin kasi nga wala pa kaming friends. :( Tapos ayun, nakakahiya pero may mga nakilala naman kami. Grabe, di ko inexpect na ang sungit nung iba o hindi lang talaga sila friendly. Pero nakaka-disappoint, nvm. Nagtest lang kami sa lahat ng Sciences. Shotgun! Tapos nakauwi kami nang maaga kaya nagpunta kaming school. Sumama samin si Kat, first time. Pinag-usapan namin yung mga kasing-edad namin na may mga online shop tsaka yung may mga business at mayayamang bloggers. Nakakainggit at nakakabilib talaga. Ayun, nakarating kami sa school. Akala namin walang umattend ng Brigada sa mga classmates namin, di lang pala namin sila nakita. Ayun, kwentuhan, etc. Room 301 nga pala kami :( Akala ko dun kami sa room namin nung 2nd year (happy memories.)

Tapos ayun, umuwi din sila at kumain kami nila Denise. Tawanan lang tsaka kwentuhan, usapang prom, line-up ng officers sa 4th year at tsaka yung mga blogs na paborito namin ni Kat.

May 23

DAY 9

Para sakin, itong araw na ‘to ang best review day so far. Physics ang tinuro samin at dahil nga advanced kami, ibig sabihin meron na kaming “konting” alam sa Physics. Nakalimutan ko na kasi yung mga pinag-aralan namin nung 3rd year. Tapos nung dumating yung prof. na magtuturo samin, tinanong niya kami kung sino raw ang nakapag-Physics na nung 3rd year. Syempre nagtaas kami ng kamay ni Kat at Wilson. With all confidence pa nga si Wilson na nagtaas agad ng kamay eh. Tinuro niya muna yung dalawang nakapaloob sa Physics— Math tsaka common sense. Tapos yung scalar tsaka vector quantities tapos examples. Sa bawat example, wala kang ibang maririnig kundi “Oh eto, common sense” o kaya “Common sense lang ‘yan eh” o kaya “Pinapalabas ko ang common sense.” At dun na nagsimulang naging bukambibig niya ang “common sense”, paulit-ulit niyang sinasabi at sobrang nakakarindi na para bang hindi namin ginagamit yung mga sentido kumon namin. Late pa kaming pinag-break, dapat 10am ang break namin naging 11am dahil sa lecheng common sense na yan. Meron pa nga pala siyang bukambibig na “‘If you can’t solve this in less than a minute, may problema kayo” o kaya “Kung hindi niyo magawa nang mabilis ‘yan, may problema kayo.” Ang problema ko lang naman eh, nakakarindi yung mga linya niyang paulit-ulit. Tapos sabi niya, isulat daw namin yung mga problema namin. Sinulat ko, “Ampayat ko.” May recitation pa nga pala tapos pumili na siya nung mga students na para sa kanya eh “magagaling” at “sana napalabas niya raw ang common sense.” Guess what, kasama kami dun sa “magagaling” na sinabi niya kasi kami raw ay nakikipag-interact at nageeffort na sumagot. Siguro kasi kinorrect namin siya dun sa isang problem during break. Hahaha. Pero srsly, sobrang dami kong natutunan. Naintindihan ko yung mga sinasabi niya at ‘yung mga examples niya kahit para siyang sirang plaka, ang galing-galing niya magturo. Nagbigay din siya ng mga examples ng mga benefits/advantages na pwede naming makuha kapag sa UP kami mag-aaral. Tsaka ang pinakamahalagang sinabi niya samin ay “Dream big. Wala akong kilalang tamad na naging successful. Kailangan determinado kayo, masipag at matiyaga.” At feeling ko magsisink-in sa utak ko yung mga tinuro niya.

 

Nagpunta kami kanina sa school tapos sobrang init pa. Pero di ko na napansin yung init kasi feeling ko aalis na sila o kaya baka wala na kaming maabutan sa room kasi late na kaming dinismiss ni Ms. Common Sense. Ayun nga, pagdating namin ni Wilson sa room, tinanong niya dun sa babaeng natitira sa loob ng room 301 kung asan sila at ang pinakamasakit na narinig ko, “Wala na sila. Kanina pa.”

Pagod na pagod kaming dumating nang walang naabutan. May dala pa si Wilson na gamit na parang maglalayas siya. Nagpunta kami sa Bldg. A, baka andun pa sila, na sa Room 108 kung asan si Ma’am Mel. Pero wala din. Sabi ni Wilson, tignan lang daw namin kung andun si Ma’am Mel, wag daw kaming magpakita kasi baka tanungin pa kami o interviewhin pa kami, etc. Pero nung nakita ko si Ma’am Mel para kong maiiyak. Drama. Namimiss ko na kasi talaga siya eh.

akjsklhaskjghsjhga T_____________T

Tapos nakita pa namin si Ma’am Villadolid tsaka Ma’am Camero na magkausap. Gusto ko sana makita o makapag-Hi man lang kay Ma’am Villadolid kaso andun nga si Ma’am Camero. Hehe. Kaya nagmadali na kaming lumabas.

Ewan. Ang lungkot ko pagtapos nun. Nagpunta ko sa Mcdo, kasi tambayan ng ES2 yun eh, baka andun yung iba. Wala pa rin akong nakita. Kumain nalang ako mag-isa.

Hay. Ang saya talaga.

May 25

MAIA -_________- =))))))))

  • Nakita namin ni Maia yung 2x2 picture ni Glorie. Jusko, ang ganda.
  • Ako: Grabe Glorie! Ang ganda mo!!!
  • Maia: Oo nga eh! Chix! Manok ba nanay mo at nanganak ng chix?
  • Ako: *facepalm* Maia.
  • Maia: HAHAHAHAHAHAHAHA
May 26 2012
BLOGGABLE KWENTO. =))

Gustung-gusto kong iblog yung nangyari ngayong araw kasi proud ako sa ginawa namin.

Last day kasi ng Brigada kaya marami-rami ding pumunta pati yung mga di umaattend, dumating din kaso umalis din agad. (Andun nga si Ma’am Mel eh! Miss ko na talaga siya. Nag-aayos na sila ni Sir Rubino ng faculty kasi ipapamana niya na ‘yun kay Sir Rubino.) Nung una, paikot-ikot lang ako sa room kasi wala akong magawa, palakad-lakad lang hanggang sa nabigyan din ng gagawin sa wakas. Pero bago kami bigyan ng gagawin, kinausap muna kami ni Ma’am Camero tsaka ni Sir Rubino para ayusin lahat. Meeting-meeting tapos ayun todo-defend si Sir Rubino tsaka si Ma’am Camero nang pabiro tapos si Sir Rubino sinasabi, “Eh ikaw kasi eh. Inaaway mo sila. Di mo sila pinapansin, di rin kita papansinin.” Tapos si Ma’am Camero, tumatawa lang tapos teary-eyed na siya. Haha. Nakakatuwa si Sir Rubino! Kahit di pa niya kami lubusang kilala, pinagtatanggol niya na kami. Tapos ayun gusto lang naman ni Ma’am Camero na maging ok na lahat kaya ayun ok na lahaaaaat! Ang saya-saya! :-) Wooooo. Ok na! Tapos dinefend din kami ni Sir Rubino na hindi raw kami dapat maglinis ng Speech Lab kasi nalinis na namin yung AVR tapos pati yung room namin kaya unfair daw ‘yun. Di daw dapat lahat kami ang gumagawa. Pero kami pa din ang naglinis basta kaya daw namin. Nakakatuwa talaga. 

Ayun na, nilinis nalang namin yung Speech Lab. Pito kaming naglinis sa loob. Si Denise, si Yoya, si Shalom, Kat, Leng, ako tsaka si Jeseth. Sobrang dumi ng Speech Lab kasi di ginagamit at walang naglilinis. Nakakapagod pero sobrang saya. Sa sobrang pagod, isa-isa na silang sumusuko sa paglilinis. Matira, maganda. Hahahaha. Parang PBB, hanggang sa kaming dalawa nalang ni Leng yung natira at nalinis namin yung Speech Lab. Pero siya yung big winner, obvious naman. Haha. Yes!!! Nalinis namin yung Speech Lab!!! Pero pagtapos nun, akala ko uuwi na kami kasi 1:00 na tsaka marami na kaming nagawa. Hindi pa pala.

Walang pagkain, walang tubig. Di pa ko nag-aalmusal nun at gutom na gutom na ko. Hunger games nga raw eh. Gustong-gusto ko na kumain at umalis pero dumating yung mama ni Apek na may dalang pagkain. Napostpone yung pag-alis namin. Dumating pa yung pinabili ni Ma’am Mel na tinapay at soft drinks. Haaay. Konti nalang kaming natira tapos di pa kami umuwi, pina-floorwax sa amin ni Mike yung Speech Lab. Kaming dalawa ulit ni Leng yung nag-floorwax. Basta si Leng yung kasama ko, masipag ako eh. Ayun pala yung sobrang nakakapagoooood. Niyaya kasi namin si Yoya na tulungan kami, nahabag naman siya at tumulong sa pagbubunot. Tapos para kumintab agad yung sahig, sabi ni Leng maghabulan daw kami habang nagbubunot. HAHAHAHAHA. Sobrang nakakahingal tapos tawa pa kami nang tawa kasi si Leng yung taya. =))))))))) Ang saya grabe.

Natapos na namin yung pagfo-floorwax tapos may TV kasi sa room na “nakuha” ni Mike sa Speech Lab. Nanood kami ng American Idol replay. Tapos bumili si Eiji tsaka Raffy ng merienda. Kumakain kami habang pinapanood yung performance ni Jennifer Holliday tsaka Jessica Sanchez. Hahahaha. ANG SAAAAAAAAYAAAAA. 3:00 na nun pero pagtapos nun nagpintura na kami, tapos nagpunas kami ng sahig kasi andaming pintura. nagkukuwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano tapos tawa lang kami nang tawa. Tapos dumating si Ma’am Nepo, sabi niya ang sipag daw namin tapos ang bait niya sa amin. Haha. Hanggang 6:00 yung kasipagan na ‘yun.

Hindi pa kami natatakot kasi maliwanag pa naman kaso nagtakutan na. Kasi nga kami nalang yung nasa building tapos wala na si Ma’am Nepo at baka pag-lockan na kami ng mga guard sa school. Natatakot na rin ako tapos umuwi na rin kami.

Grabe! Sobrang saya ng araw na ‘to! New experience! Yung makasama ang friends/classmates sa Brigada at wala kaming ibang ginawa kundi magsipag at maglinis hanggang 6 ng hapon tapos kami nalang yung tao sa school tsaka yung mga guard! Tapos yung magmerienda sa school habang nanonood ng TV sa classroom matapos ng nakakapagod na paglilinis kahit sobrang dungis na namin at yung mga paa, kamay, tsaka mukha namin ay madudumi na. Pero tawa pa din kami ng tawa at di kami nauubusan ng kwento. Haaaaaay. Ang sayaaaaaaaa!

June 2

IV-ES2 SCHEDULE

Sana may hulog ng langit na magpost ng schedule dahil nakakatuwa talagang tignan yun. =))) Uwian namin every Monday-Wednesday, 2:10! Yes. Haha. Di pala namin magiging teachers yung mga expected kong katatakutan namin ngayong taon. Wala si Ma’am Lim kaya feeling ko walang theater eklushi. Tapos hindi si Ma’am Directo ang teacher namin sa Eco. Lalala~ Swerte pa rin kami kahit papano, kahit inexpect ko na si Ma’am Moyo pa din ang teacher namin sa English, si Sir Buñor sa TLE (Computer subject ang TLE ngayon kekekeke) tsaka si Ma’am Fabillar sa Filipino. Swerte kami dahil si Ma’am Evangelista ang teacher namin sa Values (omg sana sure na!!!!) tapos malamig sa Computer club. Di ko pa kilala yung teacher namin sa Eco tsaka Filipino pero yung MAPEH, Pre-Cal, tsaka Advanced Chem palang yung kinatatakutan ko. Kinakabahan ako sa MAPEH at Advanced Chem dahil sa teachers tapos sa Pre-Cal kasi Math yun. Kung tutuusin, swerte ang 3rd year ngayon kasi di nila teacher si Sir Navarro tsaka Ma’am Ruelan pero sa kamalas-malasan, di rin nila teacher si Ma’am Rafols at Ma’am Moyo (except sa persuasive speech tsaka debate.)

Hihi. Malapit na magpasukan. At ito yung pinakamalas na nalaman ko sa first day ng fourth year… hindi shortened ang first day!!! OMG. First day palang hanggang 2:10 na kami!!! Tapos orientation agad kasama yung mga teachers! Akala ko kapag first day orientation kasama yung adviser! Di pa ko ready!

June 4

FIRST DAY OF OUR LAST YEAR, SADLY

Hahaha, madramang title is madrama. Andaming assignments at di ko alam saan magsisimula. Oh dear Lord, first day palang naman bakit ganito na? Haha. Dejoke, walang karapatang magreklamo, pinili ko mag-aral eh. Masaya naman yung first day ng 4th year kaso stress agad-agad.

Nameet na namin lahat ng teachers except sa Values (omg sana si Ma’am Evangelista na talaga). Tapos nagbago yung schedule namin sa hapon kaya hanggang 3:00 na talaga kami. :-( Orientation kasi ngayong araw kaya nagpakilala yung mga teachers samin nang maikli lang. Nakakatuwa yung iba, yung iba nakakatakot pa din. :-( Si Ms. Chat yung may pinaka-interesting na kwento sa amin. Every 2 years, nagtatravel siya. Cool! At pumasok siya sa room nang may dalang Chanel bag. Tapos graduate siya sa UST tapos yung iba masyado nang personal para ikwento (bakit wala pa siyang asawa) pero nakaka-inspire yung mga sinabi niya tungkol sa pag-ibig based from experiences. Si Sir Sales naman, nakaka-“WOW” yung mga kwento niya sa amin tungkol sa pag-aaral niya from grade school hanggang college. Nakakabilib siya. Hindi lahat ng matatalino, sa mamahaling schools/universities nag-aaral. Si Ma’am Blancaflor naman, nakakatuwa. :-) Sabi niya, ang ES2 raw gusto lang na masaya yung subject, basta masaya lang daw kami ok na yun, may dumaan palang na hangin, tatawa na kami. Tawa kasi kami nang tawa kanina nung Filipino. Hahahaha. Si Sir Roa naman, nakakatawa din. Lalo na kapag nago-“Omygoosh!” siya. Hahahahahahaha!

Hay ang saya naman nitong araw na ‘to eh, pero takot pa din ako sa ibang teachers. Kinakabahan talaga ko! Good luck sa akin. Stress agad-agad.

June 13

~*YOLO*~

  • Katrina: You have to forgive me. Because YOLO YOLO YOLO.
  • Ako: Yup. YOLO. Ako “ILE”.
  • Katrina: ?
  • Ako: I live eternally.~~~~
  • Katrina: Ikaw na. =))))))) I’ll live in heaven after I love on earth. *live
  • Ako: Nux lumalove HAHAHAHA.
  • *fast forward*
  • Katrina: Hoy matanong ko, tapos ka na ba sa mga assignments?!!
  • Ako: Wala pa kong nagagawa. Ay mali. ISWI pala yung akin.
  • Katrina: What iz that?
  • Ako: (And in that moment,) I swear we’re infinite.
  • Katrina: AKIN ICISIC.
  • Ako: Ano yun?
  • Katrina: I came I saw I conquered.
  • Ako: LECHE HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
  • Ako: Bakit kaya ganun siya noh? Ang corny niya magjoke. =))))) Pag ba matalino, corny na magjoke?
  • Jeseth: Oo nga eh. Laging waley.
  • Elora: Ako, corny ako magjoke.
  • Ako: HAHAHAHAHAHA. Grabe Elora! Nakakatawa ka talaga. =)))))))

June 15

Lagi nalang kaming magulo, pinakamaingay, pinakatamad, may pinakamaruming classroom, *insert negative feedback about ES2 here*. Lagi naman kaming ganun pero di nila alam na kahit anong mangyaring di maganda, lagi kaming masaya tsaka tumatawa. Sabi nga ng mga teachers, iba raw kami. Di kami normal at predictable pero love namin ang isa’t isa. Feeling ko nga kaya naming mabuhay sa isang bahay nang sama-sama eh. Pero malapit na yung point na magkakahiwa-hiwalay na kami. Di ko maimagine kung paano ako kapag college. Di ako sanay nang hindi sila nakikita at nakakausap. Parang matatapos na lahat pagdating ng April. Magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay. Magiging busy na kami, mapipilitan na kaming magsipag sa pag-aaral, mapipilitan na kaming maging independent at mature kasi di na namin masyadong matutulungan ang bawat isa.

Kapag nagkaroon ng debut ang ilan o isa sa mga girls, tapos lahat kami invited at parang reunion na din namin yun, iniimagine ko yung itsura at kilos namin after ilang years. May mga nagmukhang mature na, may mga mukhang kagalang-galang na, may mga gumwapo at gumanda lalo, pero kapag nagsama-sama na kami, immature, loko-loko, magulo, makulit, mapang-asar pa rin pala kaming lahat. Yung walang magbabago, parang dati pa din. Tapos walang nakakalimot sa lahat ng magagandang nangyari nung high school. Tapos family pa rin kami. <3

Kaya ayoko pang gumraduate eh. Parang di ko kakayanin.

June 16

UP ♥

Nagpunta kaming UP ni Ate Shaine tsaka Leng para hanapin yung building namin sa UPCAT. Nung una, akala ko hindi naman ganoon kalaki tulad ng ineexpect ko, pero expectations < reality. Grabe dahil first time ko nga doon, naa-amaze pa rin ako sa sobrang lawak. Ang ganda pala dun, sobrang ganda. Andaming mga puno tsaka bulaklak, parang rainforest tapos sobrang tahimik kasi nga Saturday tapos ang aga naming nagpunta. Sobrang nakakarefresh dun sa lugar na ‘yun, parang nasa ibang bansa ako. Bumaba kami ng jeep tapos nilakad lang namin ng konti, nakita namin agad yung building ni Leng: College of Architecture. Tapos sabi ni Ate Shaine, malayo pa raw yung sakin: Institute of Math. Andami naming nadaanan bago kami makapunta dun, College of Arts and Letters, Dept. of Electrical and Electronics Engineering, etc. tapos andaming bagong building na ginagawa. Umulan na bago pa kami makarating dun sa Math Bldg pero parang umaanggi lang yung ulan kasi andaming puno talaga.

Dahil nga kasama namin si Ate Shaine, lahat ng madadaanan namin binibigyan niya ng info. Siya yung naging tour guide, andami niya ngang nasabi eh. Papuntang Math Bldg., mabato yung daanan pero nakita ko na rin. Medyo hindi ko na nga maalala yung daan papunta doon kasi anlayo talaga sa binabaan namin. Pagtapos nun, umikot ulit kami. Kung anu-anong building na nga yung nadaanan namin tsaka binigyang-info ni Ate Shaine. Tapos dumaan kami sa parang park na maganda tapos andun yung Palma Hall, yung pinakamalaking building na nakita ko. Marami na ring tao, nagja-jogging tsaka mga bikers. Tapos nakita ko rin yung Malcolm Hall tsaka yung School of Economics. Eh doon magtetest si Eiji tsaka Jeseth, ang lapit nila sa isa’t isa pero di ko lang alam kung anong sched. nila.

Tapos nagutom na kami kaya kumain kami sa Shopping Center tapos katabi nun yung coop./grocery para dun sa mga nagdodorm. Yung kainan sa Shopping Center, parang Korean ambiance tapos dun sa kinainan namin, sobrang nakakabusog kaya worth-it yung 70php. Sa sobrang pagod namin sa paglalakad at katatapos lang namin kumain at kailangan tumayo agad, hindi na kami nakapagpahinga pero sabi ni Ate Shaine, ganun daw talaga kapag kumakain sa UP, kailangang tumayo agad kasi maraming naghihintay na umalis ka sa table mo. Tsaka “time is gold” raw.

Pagtapos nun, pina-experience niya samin yung pagsakay sa UP-Ikot na jeep. Kaya dun kami nakapagpahinga sa jeep. At dun na ko minalas nang sobra kasi paglabas ng jeep sa UP, nalaglag yung payong ko sa daan tapos di ako nakapagpara. Simula noon, lutang na ko, di na ko makamove-on sa payong kong nalaglag na hindi pa naman masyadong gamit. Pagtapos nung ride sa UP-Ikot, sumakay na kami papuntang SM North tapos bumili si Leng ng sapatos. Ang ganda nga nung mga sapatos eh tapos ang mura lang, kaya muntik na ko madistract pero di ko pa rin nakalimutan yung payong ko. Eh wala na naman kaming magawa tsaka napagod agad kami sa UP kaya umuwi na kami agad. 

Gusto ko pa sanang pumunta ng Ateneo kasi nandoon si Ate Shai tsaka sabi ni Ate Shaine, malapit lang daw ‘yun sa UP kaso di ko naman alam kung nasaan sila sa Ateneo, eh ang laki-laki din nun kaya wag nalang.

Di pa rin ako makamove-on sa payong ko. Pero sobrang ganda talaga sa UP. May balak nga kami na balik-balikan yun every week eh para makabisado namin. Tapos magyayaya na rin kami ng ibang classmates namin kasi the more, the merrier.

June 18

Gaano kaliwanag nung araw na &#8216;to?
Hi. Ako nga pala at si Renzo at syempre, malugod kong pinapakilala sa inyo ang aming aircraft invention sa Research, ang Rerigafa Robot. Rerigafa for Renzo, Rical, Gadielle at Faith.
Iyan yung robot na ginawa namin nung sabi ni Ma&#8217;am na kumuha kami ng tigfa-five na school supplies tapos bahala na kaming gumawa ng invention.
Ayan yung ginawa namin. =))) &#8216;Yan yung defender ng Pilipinas laban sa China para makuha ang Scarborough Shoal. O diba? May glue &#8216;yan sa likod na kapag lumabas eh, pagdidikit-dikitin ang mga Intsek. Ang corny ni Renzo pramis. Pero sobrang proud ako diyan sa invention na &#8216;yan.
Photos taken by: Elora

Gaano kaliwanag nung araw na ‘to?

Hi. Ako nga pala at si Renzo at syempre, malugod kong pinapakilala sa inyo ang aming aircraft invention sa Research, ang Rerigafa Robot. Rerigafa for Renzo, Rical, Gadielle at Faith.

Iyan yung robot na ginawa namin nung sabi ni Ma’am na kumuha kami ng tigfa-five na school supplies tapos bahala na kaming gumawa ng invention.

Ayan yung ginawa namin. =))) ‘Yan yung defender ng Pilipinas laban sa China para makuha ang Scarborough Shoal. O diba? May glue ‘yan sa likod na kapag lumabas eh, pagdidikit-dikitin ang mga Intsek. Ang corny ni Renzo pramis. Pero sobrang proud ako diyan sa invention na ‘yan.

Photos taken by: Elora

June 23

MALAPIT NA KAMING MAGING SWEET CORN.

Konti nalang talaga literal na mais na kami sa sobrang kakornihan. Di ko alam ano nang nangyayari sa GELBLEP, kung bakit pa-corny nang pa-corny. Sobrang corny ng mga jokes namin na nakakatawa na rin yung kakornihan.

Eco teacher: Explain your answer further.

Precious: Further? Diba yun yung partner ng mother?

Isang araw sa TLE room.

Sir: askhakhsjagjsg to run.

Ako: Diba yun yung libro ng mga Muslim? To run?

Precious: To run? Diba yun yung merienda na saging?

Sir: akjakhskjsjgdgas menu.

Precious: Yun yung laro sa Eat Bulaga diba? Pinoy Menu.

Physics time.

Ma’am: Halimbawa yung GWA niyo…

Maia: Nagising na yung GWA ko.

Precious: Kilala mo si Rical? Yung GWA ni Yoya?

Lagi akong natatawa kay Precious kapag ganyan.

Pero di pa ko tumatawa ngayong 4th year nang sobrang nakakatawa. Gusto ko na ulit maexperience yun. Tsaka gusto ko ring mamiss yung GELBLEP. Eh paano ko sila mamimiss kung magkakatabi kami tsaka magkakasama kami palagi? Gusto ko naman maging close yung iba para di kami magkasawaan.

June 24

image

June 27

BERETA.

  • Lorraine: Gadielle, diba yung “Breta” ni Maia, pangalan niya?
  • Ako: Ha? Middle name niya yun ah.
  • Maia: Oh diba? Ang haba naman ng pangalan ko. Maia Esmeralda Breta B. Lamasan.
  • Lorraine: Eh basta ang alam ko yung “Bereta” mo, pangalan mo eh.
  • Ako: Bereta? Diba sabon yun?
  • Sila: Hahahahahaha.
  • Maia: Bereta? Diba pambutas yun?
  • *tumawa lang kami ulit* Pagtapos nun…
  • Maia: Bereta? Diba yung artista yun? Si Claudine Bereta?

June 30

JUNE 2012

  • First month of classes
  • Di pumasok si Jeseth nung first day tapos ayaw niyang maniwala na whole day kami sa school.
  • Guess what. Nagbabaon na ko.
  • "Tatanungin kita, pero siya ang sasagot." - Eco teacher
  • Ang Advanced Chem. teacher namin at ang kanyang nakakatawang paraan ng pagkukuwento tungkol sa ilang pangyayari sa kanyang buhay HAHAHAHA motherfurther.
  • Awkward moments sa pagitan ni Paul at Ma’am Evangelista (Values teacher namin na nanay ni Paul)
  • Si Yoya, si Precious at ako over AJ HAHAHAHAHHA what
  • Yung pagpunta namin sa burol ng lola ni Eena hanggang 9:30pm kami dun tapos andun si Prei at sobrang harot ni Elora (Malaswa!)
  • Lahat ng ES2, Group 2 sa MAPEH hahahahaha.
  • Nagpupunta kami sa burol ng lola ni Eena araw-araw, nakumpleto namin.
  • Nagkaroon ng malakas na ulan na tumigil na nagpatalo sa OKC at nagpalamang sa Heat at nagpakonti samin sa classroom na para bang last day na ng 4th year.
  • WE HAVE THE BEST MAYOR EVER! DI MAN LANG NAG-SUSPEND. PRAY HARD, IT WORKS.
  • Yung mga benta moments ni Ryan nung 22 lang kami sa klase
  • Ang lakas ng hangin sa room ang lamig palagi!
  • Si Big Chard, si Big Sol at ang kanilang anak at other kabaliwang moments with Leng and Maia.
  • First time ever sa buhay ko na makapunta ko sa UP. Kasama ko si Ate Shaine at Leng.
  • Nalaglag yung payong ko. :(
  • Yung excitement na naramdaman namin ni Precious nung nagplano kami para sa paluwagan HAHAHAHA
  • "Lagi nalang ako. Bakit ako ba lagi?" - Me
  • Yung row namin nila Kat, Maia at Leng at row nila Debbie, Shalom, Yoya at Prei yung laging tawa nang tawa.
  • RERIGAFA robot - defender of Philippines against China to get Scarborough Shoal
  • Napaiyak ko si Mike dahil sa isang collage omg
  • At napaiyak ko yung sarili ko
  • "Ang pagsampal ng kanyang tatay na lalaki sa kanya sa salamin sa dingding ng bahay-pawid” - Group 2
  • "Malaking pek, malaking pek, malaking pek, malaking pek pek pek, peklat. Boom boom boom." - Boys
  • "Yung further, partner ng mother." - Prei
  • And other corny jokes followed.
  • Nagpunta kami sa burol ng lolo ni Denise sa La Loma at di ko maexplain yung feeling. Ang ganda sa La Loma, kung hindi mo iisipin na puro patay yung andun.
  • Andami kong natutunang pamahiin sa mga burol. “Wag ka munang didiretso sa bahay. Magpunta ka muna sa ibang lugar. Tas pag-uwi mo magpalit ka agad ng damit,” tsaka yung “Bawal mag-uwi ng pagkain galing sa burol.”
  • Nagpunta kami ng Jollibee at nag-stay kami dun for 50 seconds para lang hindi kami sundan ng multo daw.
  • "What is the name assigned to the ratio between d and t? _________. Yes. It is called speed." - Physics Activity: Driving Lesson
  • Pinagawa kami ng huling habilin ni Ma’am Evangelista.
  • DDR kila Shalom \m/
  • Yung Artfolio ko na sa school ko sinimulan, grabe yung adrenaline rush
  • Si Raffy at yung dahon
  • Nagpunta kami ni Rical, Renzo at Yoya kila Faith. Grabe, ang gwapo ng kuya niya tapos pinakain pa kami, ambait talaga ng kuya ni Faith. Buti pa yung kuya niya.
  • Andaming pagkain na binigay sa amin (as in maaaarami), siguro kung doon ako nakatira, baka mas malaki pa ko kay Faith ngayon.
  • Ang ganda nung ginawa naming Powerpoint presentation sa Research. Naka-apat na slides kami sa loob ng 3 hours. Tapos yung last slide, puro kalokohan pa. Epic.
  • DALAGA NA SI MAIA! Parang 2 minutes lang nangyari yun, nagdalaga na siya agad-agad.
  • Di pa nga kilala, hintayin na agad hanggang college?! PEEBEE TEENS?!
  • Nagbago yung tingin ko kay Maia (pati sa sarili ko), pagtapos nung pangyayaring yun. Haaaaaaaaaaaaay.
  • Nagkaroon ng game sa Eco! Wooooh. Hahahahaha. Ang saya-saya kahit talo kami.
  • Never ever ever na ulit akong magiiwan ng gamit sa kahit saan.
  • CICT Club Election of Officers! Ang saya-saya!!
  • Puro katangahan nalang yung nangyari ngayong buwan. Pramis. Babawi ako sa July.

NALILIGAW NA NGA EH.

  • Maia: Asan ba yung Lerma dito? *tingin sa Lola’s map*
  • Ako: Lerma… Lerma…
  • Maia: Lerma, lermathology.
  • Ako: Lerma, yung kabaligtaran ng bago. Lerma.
  • Maia: Isa, dalawa, tatlo, apat, lerma.
Sana di kayo tamarin basahin ‘to or kahit wag niyo na basahin.

First time kong magdadrama tungkol sa samahang pangkababaihan ng mga baliw, abnormal, tamad, may-sapi, magaling manggaya, buto, bookworm, walang mata, matataba, walang muwang, joker, makakapal ang mukha, maharot, in love, iniiwan, nasasaktan, umaasa, madrama, pervert, walanghiya at magaganda (sila). In short, GELBLEP.

Hi. Una sa lahat, I love you. Kayo lang talaga yung love life ko kaya ko sinasabi ‘to. Di ko alam na tatagal tayong magkakasama kasi we’re a group of opposites. May mataba (oops), payat (*ubo*), may magaling sa ganyan, sa ganito, etc. Lahat na yata na sa atin eh. May love life yung isa, wala naman yung iba. Ang off topic. =)))

Naalala ko nung unang nabuo itong grupong ‘to. Nagpunta kami sa bahay nila Elora para sa investigatory project nila sa Bio. So gumawa sila ng ink out of flower petals. Ang hirap kaya! (nagkalat lang ako dun kasi di naman nila ko ka-group) Pero nagawa nila. Dahil kailangan ng proof, nagsulat ako gamit yung ink tapos parang “This proves that chuchuchu…” yung sinulat ko. Sabi pa nga namin gagawa kami ng company ng ballpen eh. Hanggang sa naisip namin na gumawa ng group, as usual na ginagawa ng grupo, pinagsama-sama yung pangalan namin tapos isinulat dun sa papel. Tapos ayun. Yay. Nabuo ang GEBLEP Company.

Days later, sabi ni Yoya, GELBLEP na raw kami. Isali raw si Jane dahil close naman siya samin. Tas GELBLEP na talaga, officially. Nafeel ko talagang may kinabibilangan na kong grupo nung mga nagkakayayaan na kaming kumain tuwing uwian, lagi nalang kami-kami yung magkakasama atbp.

Tapos nagbirthday si Lorraine (2011), GELBLEP with Karen ang eksena. <3 First time naming magsurprise ng may-birthday sa group. Kaya nung nagpunta kami sa Grand, (aww) yun na yung pagkakataon namin na isurprise si Leng. Tinulungan kami ni Karen. Niligaw ni Karen at Eena si Leng, pinaglibot-libot sa Grand tapos bigla nalang kaming nawala nila Elora, Jane at sumunod si Jeseth. Hinanap kami ni Leng. Wala si Prei nun kaya hindi kami kumpleto. Nahirapan kami sa pagtatago kay Lorraine (buti nalang maliit at malabo yung mata niya), buti nalang magaling si Karen at Eena mag-alibi. Tapos binili namin yung bag na gusto ni Lorraine, naalala ko yung sinabi namin sa counter, “Puro barya! Halatang pinag-ipunan. Hahahaha.” Tapos nagpakita na kami kay Lorraine. Galit na pala siya nun, hindi lang halata kasi nga nasurprise talaga siya.

At pagkatapos pa nun, di ko akalain na magiging mas close pa kami sa isa’t isa. Lagi kaming naguusap-usap, lagi kaming magkakasama etc.

Fast-forward…

3rd Year na kami! Dito nauso yung mga ginagawa nilang pagbabasa sa Wattpad, open forum, dito nauso yung  pagcecelebrate ng iba-ibang monthsary, yung fail surprise sa mga may-birthday at kainan sa headquarters (Jollibee HAHAHA). At nadagdagan kami ng dalawang magagandang nilalang. Si Maia at si Shalom. Kaya kapag kasama namin sila, GELBLEMPS na ang tawag samin.

Nung una akala ko hindi namin magiging close si Maia pero we ended up as soul sisters. Nux. <3

Yung mga sumunod na pangyayari sa GELBLEP,  may mga umeepal, yung iba nagkakainisan na, di nag-uusap, nag-aagawan (?), may cold war, may galit kasi ganyan-ganito. Kaya nauso yung mga pagoopen-up para mapag-usapan yun. Pero hindi lahat naaayos ng open forum. Kaya hindi naiiwasan yung mga ganung problema. Pero hindi kami nagbreak dahil lang dun. Duh. =))

  • January 13 - Nag-photoshoot kila Shalom. Sobrang natutuwa talaga ko kapag nakukumpleto kami. <3 Ito yung Best Friday the 13th ever.
  • February 14 - Valentine’s Day. Isa lang yata samin yung nakatanggap ng regalo kasi syempre in love. Tapos open forum din. Di ko alam na lahat sila nagtatampo na sakin. Siyempre, ang sakit.
  • March 15 - Kain sa Jollibee. HAHAHA. Lagi nalang. Positive? Negative?

Yung ibang pangyayari: Sa akin, walang nangyari, naging mas moody lang ako. Si Eena, hindi nagbago. Lagi pa ding present kahit na naiba na siya ng section. Si Jane, pinipilit makarating sa lahat ng dapat puntahan. Si Jeseth, naging moody at mapag-isa. Si Lorraine, nakitaan ng talent sa pagsasayaw pero mas talented sa panggagaya. Si Elora, nainlove, lumakas yung tawa, mas naging wild. Si Precious, sexy na, naging prinsesa, mas naging wild, hindi na siya maarte/suplada, simpleng sexy nalang.

Lalo pa talagang naging mas masaya nung kasama na namin si Shalom at Maia. Walang dull moment kapag kasama sila. Lagi lang kaming tumatawa at sumasaya lalo.

Si Shalom, KPOPPer na. Sa bawat usapan, laging expected na may KPOP na involved. Si Maia naman, sobrang saya kasama, makulit siya tsaka baliw tsaka teary-eyed, hahahaha ano daw.

May mga times na wala na kaming mapuntahan, pero never kaming nawalan ng pag-uusapan. Kaya love ko ‘yang mga ‘yan eh.

Anyway, April 16 ang monthsary natin (at baka di ako makapunta). Baka mamiss ko ang picture-taking, kainan, tawanan, kwentuhan, sabunutan, gayahan at kung anu-ano pang kababalaghan or baka wala akong mamiss HAHAHAHA joke lang.

Kayo lang yung nagpapatawa, nagpapaiyak, nagpapalungkot at nagpapasaya sakin ng sobra-sobra. ♥ Ang tagal na pala talaga natin no? Ngayon 4th year na tayo, gagraduate, magkakahiwa-hiwalay, magkacollege, magkakaboyfriend, mag-aasawa, magkakaanak, madedepress, mababaliw, tapos reunion. Lagi tayong magdate para updated tayo. O kaya kami nalang ni Shalom laging magrereunion. Sorry kung ang advanced ng mga sinabi ko, pero diyan naman tayo papunta lahat eh. Pero wala diyang nakalagay na magkakahiwalay tayo. Aww. Defuck, ang cheesy ko.

Ayun, ang sabaw kasi ng utak ko ngayon kaya ko ‘to ginawa.

Miss ko na kayo. At kahit anong mangyari, love life natin ang isa’t isa. Kahit wala namang boyfriend, masaya tayo eh, MAS MASAYA. Forever to go! I love you! >:D<

GAANO KAKILIG? :”“”)

  • Ako: Miss mo na ko eh no?
  • Maia: Miss palang ngayon, sunod misis na.
  • Ako: Nice. HAHAHAHA sorry kami na muna ni Leng. Hihihihihi next time.

nothingbutamess asked: 3, 4, 5, 6, 16, 20, 31, 58, 80, 81, 82, 135. Saya! Hahahahaha

3 Fears: Ghosts, first days, shame

3 Things that I Love: Friends, Internet, books

4 turn ons: Wears cool outfits, artistic, a person with a great sense of humor, matalinooo

4 turn offs: Madungis :( mayabang, pikon, KJ

Favorite place: School! ♥ Tsaka Jollibee. HAHAHAHAHA.

First thing I notice in new person: Kung maganda o gwapo, hahaha srsly.

How I feel right now: Naiinis tsaka nahihiya, excited at the same time.

What’s my strangest talent? Wala akong talent, that’s strange.

What is my favorite word? Fuck. Tsaka “Grabe!”

My top 5 blogs on tumblr:

  1. kimikarma.net
  2. artistic-dreams
  3. psycholust
  4. shutterbugdreams
  5. camillecaptures

How many kids do I want and what will be their names? 

Hahahahaha Jane!! May naalala ko. Braggable times. =)))))

Anyway, 2 or 3 kids. Di ko pa alam kung paano ko papangalanan. :))

LECHE LORRAINE. HUHUHUHU.

  • Lorraine: GAAADIIEEELLLLEEEE
  • Ako: OH
  • Lorraine: MISS SHU :*
  • Ako: NAMISS MO NA KO YARE :”“”“”“”“”“”“”“”> PUTEK KILIG =)))))))))
  • Lorraine: belated happy april fools’

APRIL FOOLS’ DAY EXTENDED VERSION

  • *Break na kami ni Debbie tas kami na ni Leng hihi*
  • Debbie: Kay Errol na yung irerequest ko, MARRIED. =)))))))))
  • Ako: LECHE DEBBIE HUHUHUHUHUHU, pag di mo ginawa yan lilibre mo ko sa 4. T____T
  • Debbie: Hahahahahahahahahaha. April Fools!
  • Ako: Walang bawiaaaaaaaan.
  • Debbie: Walaaaaaaaaa, di naman nago-OL yun eh.
  • Ako: Basta print screen mo na ininvite mo si Errol na married kayo. Pag nagawa mo libre kita sa 4. :-)
  • Debbie: Sigeeeeeeeeee. Yan ba? *insert screenshot here*
  • Ako: JUNE 4 :P HAHAHAHA APRIL FOOLS!
  • Debbie: Ayyyyyyyyyyyyyyy. Walang bawian!!!
  • Ako: Wala naman akong sinabing April 4. :P Nyenye.
  • Debbie: Hahahaha. Madaya, ok lang, tagus-tagusan naman :PPPPPPPP
  • *after a few minutes*
  • Debbie: Eto naman joke lang yun na married. Makareact. Hahahahahhahah. Hindi ko naman yun sinave. :) :P
  • Ako: Iniindian natin ang isa’t isa HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

Hunger Games 032512

Better late than never. ☺

  • Nagpunta kaming Trinoma around 5:30-6:00? Basta parang ganun.
  • Nagpareserve na kami ng seats kaso sa kamalas-malasan, reserved na lahat ng seats sa mga susunod na showing, except sa last full showing (9:55pm). Huhuhuhu. Sabi ni Mama ok na raw yun kaysa iba panoorin.
  • Kumain kami sa Sbarro.
  • Nagstroll sa Trinoma ng 3 hours.
  • Andami naming nakitang kapareho ng kulay ng suot ni Mama. Color of the day.
  • Nagpunta kaming Bench tapos pinapili ako ng damit. May nagustuhan akong isang shirt (Endless - infinite), ayaw naman ni Mama. Tapos meron, pareho naming gusto, ang laki naman ng size. Kaya wala kaming nabili, nang-troll lang kami dun.
  • Nakita namin si Janice De Belen with daughters & sons. =)) Ang ganda lang ng mga anak niya. So chix.
  • Nagstart yung movie ng 10:15pm or something like that, basta late na.
  • Kinukwento ko kay Micah yung mga nangyayari kasi di naman niya magets yung mga pangyayari (lol) kaya pinapagalitan ako ni Mama (“Ssh!”) Ang ingay ko raw kase.
  • Natapos yung movie ng 12:30am. Nakauwi kami ng 1am.
  • THG <33

Tofu. :3

Tofu :3